SAN PABLO CITY, Laguna. Lumagda kamakalawa ng umaga sina Mayor Vicente B. Amante at PCSupt. Jaime D. Ramirez, Regional Director, Bureau of Fire Protection IV-A, sa isang Deed of Lot Donation para sa inaasahang gusali ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Pablo City Central Fire Station.
Lubos ang pasasalamat ni Insp. Nerissa Eugenia P. Panergalin, City Fire Marshall ng SPC Fire Station sa pamahalaang lokal ng San Pablo sa pamumuno ni Mayor Amante sa malaking tulong na ito upang mapabuti pa ang serbisyo ng bumbero.
Nagpasalamat din si BFP Asst. Regional Director for Administration FSSupt. Arvin Rex A. Afalla sa mahusay na liderato ng punong-lungsod sa mga pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan ng BFP San Pablo City.
Kasama sa naganap na paglagda sa deed of lot donation sina CLGOO Maria Alma L. Barrientos, DILG-SPC; Supt. Ronnie R. Benedicto, Provincial Director; Judge Agripino G. Morga, City Legal Officer; CSWM Officer Diosdado A. Biglete; Engr. Edgardo A. Malijan, City Urban Dev’t and Housing Coordinator, at mga Municipal Marshalls ng Liliw na sina SInsp. Coral S. Opulencia; Magdalena Inspector Julie Ann Valencia; Alaminos Inspector Randy Del Mundo; Rizal Inspector SF04 Rodolfo C. Ang, Nagcarlan Inspector SFO2 Melanor D. Mistica; at Calauan Inspector SFO2 Lorena Vanate.
Layunin ng SPCFS na palakasin ang kakayahan ng Bureau of Fire Protection upang mabilos na makatugon sa mga insidente ng sunog at iba pang kalamidad.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahang mapalawak pa ang kakayahan ng BFP San Pablo City na magbigay ng mabilis at maaasahang serbisyo at proteksyon sa mga mamamayan.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.