McDom Tree House Resort, bagong sea paradise sa South Luzon

0
790

Naniniwala ako na ang simoy ng hangin sa dagat o lawa sa madaling araw ay nakakagaling. Sabi nga ni Myrna, noong bata pa sya, kapag may may ubo siya ay ipinapasyal siya ng kanyang ina sa Sampaloc Lake upang makasagap ng sariwang hangin.

Ang dagat o lawa ay hindi lang pinagkukunan ng pagkain o ng kabuhayan mga mangingisda. Nakakatulong din ito sa ating mental health. Lalo na ngayon na tila nasa gitna pa rin tayo ng pandemic. Ang preskong hangin at mapayapang tanawin ng dagat o lawa ay kailangan natin upang ipahinga ang pagod na isipan at katawan.

Kinapanayam ko ang isang kaibigan na si Luke Macababbad at ang bayaw nyang si Dexter Villanueva sa kanilang McDom Tree house Resort sa Brgy. San Diego, Lian, Batangas. Ang pagpasyal sa kanilang resort at talagang nagbigay ng kasiyahan at kapayapaan sa kaluluwa namin ni Myrna. Muli kong na-appreciate ang mga likha ng Diyos. Nadama ko ang pagmamahal ng kalikasan na parang ako ay niyakap nito ng mahigpit. Napakasarap sa pakiramdam. Gumaling ang dalawang taon kong stress mula sa pandemic. 

Ang MacDom Tree House Resort ay dating tambakan ng ga-bundok na basura sa tabi ng dagat.  Binili nila ang lupa at ginawang isang maganda, malinis at enjoyable na family at kid friendly resort. Kahanga hanga ang ginawang transformation ng Luke. Nakapa-creative ng mga tree houses at cabanas na itinatag niya dito. Magaganda at kakaiba. Buong taon pala silang bukas para mag-enjoy sa glamping, Samgyupsal grill, kayaking, snorkeling, cliff diving, fish feeding, ATV, freediving courses at tours at maraming iba pang amenities.

Napakapresko ng simoy na mula sa dagat. Magagandang tanawin na pumupuno sa kaluluwa at sa puso. Hindi ka man masyadong mahilig sa nature ay mamamangha ka rin at mapupukaw ang iyong interes sa kalikasan.

Perfect getaway ang McDom Tree House Resort sa mabilis at kung minsan ay masalimuot na takbo ng buhay sa siyudad. Damang dama ko ang enerhiyang galing sa kalikasan na isang biyaya ng Diyos at nararapat ingatan. Nakapag-unwind talaga kami ni Myrna.

Salamat sa pagbibigay ng pahinga mula sa aking mga responsibilidad at tungkulin. Ang linggong ito ay tunay na masaya dahil naitapon namin sa dagat ang lahat ng aming mga alalahanin – ito ang naging masayang biruan namin ni Myrna.

Si Luke ay tubong Muntinlupa na isang entrepreneur. Maker sya ng mga fruit wines gaya ng Bignay, lipote at honey. Sa mga susunod na araw ay muli natin siyang kakapanayamin tungkol sa iba pang kumikita niyang kabuhayan na nakakatulong sa mga magsasaka mula sa Quezon at Nueva Ecija.

Suportahan po natin ang mga local business at local entrepreneurs na nakakatulong pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

Makikita ang iba pang larawan ng mga tanawin sa MCDom Tree House Resrot sa link na ito https://tinyurl.com/bddp4ppb

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.