MECO: Walang Pinoy na nasaktan sa lindol sa Taiwan

0
138

Walang Filipino citizen ang iniulat na nasaktan o nasawi matapos ang malakas na lindol sa Taiwan ngayong Miyerkules ng umaga.

Sa isang pahayag, sinabi ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na lahat ng mga Pilipino at overseas Filipino workers sa isla ay “all accounted for and safe.”

“We are thankful that we have not received reports of any of our kababayans being hurt or badly affected by the powerful earthquake that hit Taiwan this morning,” ayon kay MECO Chairperson Silvestre Bello III.

“Based on our monitoring in Taipei and the reports from our field offices in Taichung and Kaohsiung, and the reports coming from our Filipino communities in Taiwan, there are no Filipino casualties or injuries in the aftermath of the earthquake and the aftershocks,”dagdag pa niya.

Mahigit na 60,000 Filipino ang nagtatrabaho sa Taiwan, ayon sa pinakabagong datos mula sa Department of Migrant Workers (DMW).

Nauna dito, iniulat ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers na wala pang report ng mga Pilipino na nasugatan sa malakas na lindol sa Taiwan batay sa kanilang unang pagsusuri.

Gayunpaman, ipinatupad na ang mga preemptive protocols upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng mga Pilipinong nasa Taiwan.

Ayon kay Foreign Affairs USec. Eduardo de Vega, ipinaalam sa kanya ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer in Charge Hans Cacdac na may isang gusali sa Hualien ang napinsala ng malubha at may mga ulat din ng mga nasirang istraktura matapos ang malakas na lindol.

Batay sa ulat ni Cacdac at labor attaché ng Pilipinas sa Taiwan, walang ulat ng Pilipinong nasugatan sa ngayon mula sa komunidad ng mga Pilipino sa Hualien.

Patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng mga opisyal sa mga komunidad ng Pilipino sa lugar upang tiyakin na sila ay nasa ligtas na kalagayan.

Sinabi rin ng DMW na aktibo itong nagmamasid sa sitwasyon ng mga OFW sa Taiwan matapos ang lindol.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo