‘Media security vanguards’ bubuuin upang protektahan ang mga mamamahayag sa panahon ng halalan

0
317

Inilunsad ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) kahapon “media security vanguards” na itatalaga upang protektahan ang mga mamamahayag mula sa mga banta ng karahasan, diskriminasyon, maling impormasyon, at katiwalian bago sumapit ang halalan sa Mayo.

Sa kanyang talumpati sa virtual launch, binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na may sagradong tungkulin ang media na gampanan ang mga tungkulin nito, “that cannot be curbed by doubts, fear, harassment or intimidation to tell the truth to the people.’’

Sa pagpapatuloy ng karahasan na may kaugnayan sa halalan, tiniyak ni Año na ang gobyerno ay gumagawa ng mga hakbang sa pagbabantay sa mga mamamahayag laban sa mga abusadong grupo at idinagdag na “in the future, the press will have more freedom to work on the ground.’’

Pinuri ni Año ang Philippine National Police (PNP) at  Presidential Task Force for Media Security “para sa aktibong pagkilos nang balikatan sa pagtiyak na ang ating mga truth seekers at tagapagsalaysay ng katotohanan ay protektado at ipagtatanggol sa mahusay na pagtupad nila sa kanilang mga trabaho.’’

Sa mga demokratikong bansa tulad ng Pilipinas, sinabi ni Año na ang halalan ay bumubuo ng isang mahalagang punto sa kanilang kasaysayan dahil nagbibigay ito ng isang plataporma “upang palakasin ang ating boses at pulitika at palakasin ang ating restructured na kahulugan ng lipunan sa isang mas mahusay na lugar.”

Binanggit niya na dapat bigyan ng estado ang mga mamamayan nito ng kinakailangang impormasyon at plataporma para magawa ng publiko ang mga tamang pagpipilian kabilang ang “mga pamamaraan at proseso ng eleksyon sa panahon ng halalan.”

“Journalists are said to be the eyes and ears of everything’’ this is true before, during, and after elections.“ Let us work together to prevent violence and exploitation of your job and profession/ be part of our efforts to win the people’s trust as the protector of the people the PNP has done its best to fulfill their mandate,’’ ayon kay Año.

Sinabi naman ng PNP na magtatalaga ito ng 2,000 pulis na magsisilbing media security vanguards sa 2022 national elections.

Samantala, ayon naman kay PNP spokesperson Col. Roderick Alba, ang mga pinuno ng 133 PNP public information offices sa buong bansa ay magsisilbing focal person ng kabuuang 1,890 police security vanguards.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.