Megaworld na magtayo ng Savoy Hotel sa Palawan

0
245

Magtatayo ang Megaworld, ang pinakamalaking developer ng bansa at operator ng mga homegrown Filipino hotel brand, ng una nitong hotel property sa Palawan.

Ang 10-palapag na Savoy Palawan ay mag-aalok 306 guest rooms at suites sa iba’t ibang layout, perfect para sa mga turista sa isla, sa 462-ektaryang Paragua Coastown sa San Vicente, Palawan.

“This will be our first hotel in Palawan, which will be the fourth Savoy Hotel in our portfolio. As we continue to tap on the rising opportunities in Philippine tourism, we also hope to meet the demand for accommodations in San Vicente, which is known to have the longest beach line in the entire country,” ayon kay Cleofe Albiso, managing director ng Megaworld Hotels and Resorts.

Limang minutong lakad lang ang Savoy Palawan papunta sa beach, at ilang hakbang lang ang layo mula sa Mangrove Reserve Park ng township.

Puno ng mga amenities, ang Savoy Palawan ay magkakaroon ng sarili nitong swimming pool na may hiwalay na kiddie pool, at pool deck sa ikatlong antas ng hotel. Magkakaroon din ito ng sarili nitong fitness center, spa na may wet and dry sauna, at kid’s club.

Magkakaroon din ng apat na outlet ng pagkain at inumin sa hotel: isang all-day dining restaurant na may alfresco area, Zabana Bar & Lounge, Grill Bar na may Outdoor Dining, at isang specialty restaurant.

Ang Savoy Palawan ay magkakaroon din ng sarili nitong ballroom at mas maliliit na function room na may mga pre-function area pati na rin ang business center at meeting room.

Ang mga bisita ng suite at VIP ay magkakaroon din ng eksklusibong access sa Executive Lounge na nag-aalok ng mga inumin at hors d’oeuvres sa buong araw, pati na rin ang almusal sa umaga.

“Iha-highlight ng Savoy Palawan ang ilang sustainability features at gagawin itong isang luxury green hotel. Ang mga kagamitan at makina ng hotel ay magiging sertipikadong ‘energy-efficient’ at gagamit din kami ng recycled na tubig para sa paglalaba mula sa aming rain harvesting facility. Dahil ang Paragua Coastown ay magiging bike-friendly na komunidad, magbibigay kami ng mga pasilidad para sa mga bisikleta sa aming hotel,” dagdag ni Albiso.

Nakatakdang buksan ang Savoy Palawan sa 2028. Ito ang magiging ika-17 hotel property na inilunsad ng Megaworld Hotels and Resorts, ang pinakamalaking operator sa bansa ng mga homegrown hotel brands. Sa 17 hotel properties na inilunsad, 12 ang operational habang lima pa ang nasa pipeline kabilang ang Savoy Palawan at Grand Westside Hotel sa Parañaque City, na nakatakdang maging pinakamalaking hotel sa Pilipinas sa sandaling ito ay magbukas.

Ang umiiral na mga operational hotel, na may humigit-kumulang 4,500 na room keys, ay kinabibilangan ng Richmonde Hotel Ortigas, Eastwood Richmonde Hotel, Richmonde Hotel Iloilo, Savoy Hotel Newport, Savoy Hotel Boracay, Savoy Hotel Mactan Newtown, Belmont Hotel Manila, Belmont Hotel Boracay, Belmont Hotel Mactan, Kingsford Hotel Manila, Twin Lakes Hotel sa Tagaytay, at Hotel Lucky Chinatown sa Binondo, Manila.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.