Menor de edad, ginahasa ng 2 menor de edad

0
366

Sta. Cruz, Laguna. Ginahasa at pinatay ng dalawang menor de edad ang isang 7 anyos na batang babae sa # 297 Dulo, Purok 6, Barangay Landayan, San Pedro City, Laguna kamakalawa.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio R. Ison Jr., Acting Provincial Director, Laguna PPO, ang mga menor de edad na suspek na sina alyas Broccoli at alyas Totoy.

Ayon sa paunang imbestigasyon, bandang 10:00PM ng Hulyo 6, 2022, sa loob ng isang bakanteng bahay sa # 297 Dulo, Purok 6, Barangay Landayan, San Pedro City, Laguna, si alyas Brocoli ay umiinom ng alak sa lugar ng insidente at hindi inaasahang dumating si alyas Totoy kasama ang biktimang si alyas Ava na nakatali ng tela ang bibig. Pinagtulungan ng mga menor de edad na kargahin ang biktima sa 2nd floor ng bakanteng bahay kung saan isinagawa ang panggagahsa at pagpatay sa pamamagitan ng pananakal.

Kinuha si alyas Broccoli ng mga barangay tanod na sina Filimon Zozobrada at Adonis Pascual hinggil sa isang kaso ng pagnanakaw ng cellphone. Kasunod nito ay nagkumppisal ang suspek na siya ang may pananagutan sa panghahalay sa menor de edad na biktima na natagpuan sa loob ng bakanteng bahay at diumano ay pinatay naman ito ng kaibigan niyang si alyas Totoy ang biktima sa pamamagitan ng pagsakal.

Kaagad na pinuntahan ng arresting officer ng mga barangay tanod ang bahay ni alyas Totoy, kinuha siya at ipinasa sa San Pedro City Police Station.

Nagsagawa ng extra-judicial confession si Brocoli sa kanyang partisipasyon sa paggawa ng krimen sa harap ng kanyang abogado, kinatawan ng CSWD, kanyang ina at kapatid na babae.

Ang bangkay ng biktima ay binuhat ng Miracolous Funeral Parlor sa San Pedro City, Laguna upang isailalim sa autopsy.

Nasa pangangalaga na ngayon ng City Social Worker Development office (CSWD) ng San Pedro City ang mga nagkasalang menor de edad.

Kaugnay nito, nagbilin si Ison sa bawat magulang na maging mapagmatyag sa kanilang mga anak. “Kunin natin ito bilang isang aral sa bawat magulang at sa ating lahat, na maging mas mapagmatyag at bigyan ng dagdag na pangangalaga ang ating mga anak,” ayon sa kanya.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.