Meralco: Bawas-singil sa kuryente asahan ngayong Agosto

0
163

Inaasahan ang pagbaba ng singil sa kuryente mula sa power distributor na Manila Electric Co. (Meralco) ngayong buwan ng Agosto.

Ang pagbaba ng demand sa gitna ng tag-ulan at mas mababang spot market prices ay nagdulot ng pagbaba sa singil sa kuryente para sa billing period ng Agosto na nagkakahalaga ng P0.2908 bawat kilowatt-hour (kWh).

Dahil dito, nabawasan ang kabuuang electricity rate para sa isang karaniwang tahanan mula sa P11.1899 per kWh noong Hulyo sa P10.8991 per kWh.

Sa pagbaba na ito, inaasahan na magkakaroon ng P58 na pagbawas sa kabuuang bill ng mga residential customers na may average na konsumo na 200 kWh kada buwan.

Ito ang pangalawang magkasunod na buwan ng pagbaba ng singil sa kuryente, na kaakibat ng pag-ulan at pagbaba ng temperatura sa bansa na nagdulot ng mas mababang pangangailangan sa kuryente.

Noong nakaraang buwan, muling tinapyasan ng power distributor ang electricity rate ng P0.7213 per kWh matapos bumaba ang pangangailangan sa kuryente, na siyang nagdulot ng mas mababang generation charges.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.