Meralco: Bawas singil sa kuryente ngayong Oktubre

0
295

Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) noong Lunes na bababa ang singil nila sa kuryente para sa buwan ng Oktubre, sa harap ng mas mababang feed-in-tariff allowance at generation charges sa nabanggit na period.

Ayon sa Meralco, ang overall rate sa October billing para sa tipikal na tahanan ay may bawas na P0.073 kada kilowatt-hour (/kWh) na aabot sa P9.8628/kWh mula sa P9.9365/kWh noong Setyembre.

Ang pinakabagong adjustments ay katumbas ng tinatayang P15 bawas sa kabuuang singil sa kuryente ng mga customers na kumokonsumo ng 200 kwh, P22 sa pagkonsumo ng 300 kwh, P29 sa pagkonsumo ng 400 kwh, at P36 sa pagkonsumo ng 500 kwh.

Ang pagbaba ay dahil sa pagbabawas ng feed-in-tariff allowance kung saan nabawasan ng 6.19 centavos/kWh, matapos na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ay inaprubahan ang mas mababang koleksyon simula Oktubre.

Ayon din sa Meralco, “Generation charges for the month were also reduced by 2.01 centavos/kWh to P6.9192/kWh from P6.939/kWh in the past month, owing to lower costs from the company’s supply contracts.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo