Meralco, may bawas-singil sa kuryente ngayong Disyembre

0
259

Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng halos P0.80 kada kilowatt hour (kWh) na bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon sa Meralco, inaasahan na magiging P79.61 sentimo kada kWh ang mababawas sa singil ng kuryente para sa mga konsumer. Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ito ay dulot ng pagbaba ng generation charges ng kanilang serbisyo.

Dagdag pa ni Zaldarriaga, nabawasan din ang transmission charges, Wholesale Electricity Spot Market (WESM), at Independent Power Producers (IPPs), na nagresulta sa mas mababang over-all rate para sa mga kumukonsumo ng kuryente.

Sa ulat, inaasahan na maging P11.2584/kWh na lamang ang bayarin para sa isang karaniwang sambahayan, mula sa dating P12.0545/kWh noong Nobyembre. Ibig sabihin nito, makakatipid ang mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh ng P159, P239 para sa 300 kWh, P318 para sa 400 kWh, at P398 para sa 500 kWh kada buwan.

Ang hakbang na ito ng Meralco ay inaasahang magbibigay ginhawa sa mga mamamayan, lalo na sa gitna ng mga paghahanda para sa kapaskuhan at mga gastusin sa panahon ng holiday season.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo