MAYNILA. Inaasahan ng mga kustomer ng Manila Electric Company (Meralco) ang posibleng pagbaba ng singil sa kuryente ngayong Oktubre. Ayon sa pahayag ng Meralco, may indikasyon ng pagbaba sa kanilang generation charge para sa buwan na ito.
“Initial indication shows a possible decrease in the generation charge in the October billing,” ayon sa Meralco.
Ipinaliwanag ng kumpanya na ang pagbaba ng singil ay pangunahing dulot ng mas mababang Wholesale Electricity Spot Market (WESM) charges. Bumaba umano ang presyo dahil sa mas mababang demand sa kuryente bunsod ng malamig na panahon noong Setyembre.
Dagdag pa ng Meralco, inaasahan ang pagbaba ng singil matapos ang pagtaas noong Setyembre, kung saan tumaas ang power cost dahil sa mas mataas na transmission charge para sa residential customers.
Patuloy na inaabangan ng mga kustomer ang magiging aktwal na pagbabago sa kanilang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo