Meralco: Tataas ang singil sa kuryente ngayong Mayo

0
256

MAYNILA. Asahan ng mga kustomer ng Manila Electric Company (Meralco) ang mas mataas na bayarin sa kuryente ngayong Mayo. Ito ay kasunod ng pagtaas ng generation charges dahil sa bumababang supply ng kuryente sa gitna ng matinding init ng panahon.

Sa abiso ng Meralco, sinabi nitong tataas ang singil ng 46.21 centavos kada kilowatt-hour (kWh), mula P10.9518 per kWh noong Marso, patungong P11.4139 per kWh ngayong Mayo. Nangangahulugan ito ng karagdagang P92 sa bayarin ng mga residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh.

Ayon sa Meralco, ang pagtaas na ito ay dulot ng pagtaas ng generation charges na umakyat ng 44.55 centavos per kWh. Idinagdag pa ng kumpanya na mas mataas ang gastos mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Power Supply Agreements (PSAs).

Bukod dito, nakapagtala rin ng net increase na 1.66 centavos per kWh ang transmission charges, taxes, at iba pang charges. Sinabi rin ng Meralco na nanatiling hindi nagbabago ang kanilang distribution charge sa P3.60 per kWh mula pa noong Agosto 2022.

“We are appealing to our customers to refrain from flying kites and picking fruits near power lines since these can cause power interruptions and accidents,” ani Joe Zaldarriaga, Meralco vice president at head ng Corporate Communications, sa parehong abiso.

Pinangangasiwaan ng Meralco ang konstruksyon, operasyon, at maintenance ng electric distribution systems sa mga lungsod at munisipalidad ng Bulacan, Cavite, Metro Manila, at Rizal, maging sa ilang lugar sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna, Pampanga, at Quezon.

Para sa karagdagang impormasyon at updates, bisitahin ang opisyal na website ng Meralco o ang kanilang social media pages.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo