Metro Manila: Bawal ng sumakay sa public transport, hindi na makakapasok sa malls ang mga walang bakuna

0
224

Itinaas sa Alert Level 3 mula kahapon hanggang Enero 15, 2021 ang status ng Metro Manila, ayon sa Malacañang noong Biyernes ng gabi.

Sa isang pampublikong anunsyo, sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagpasya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ilipat sa isang mas mahigpit na alert level status ang Maynila dahil sa nakikitang malubhang pagtaas ng coronavirus infection.

Kaugnay nito, ipinagbabawal na ng lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang pagpasok ng mga hindi pa nabakunahan sa mga mall, restaurant, at pampublikong sasakyan hangga’t nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 3 National Capital Region, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon.

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na ang lahat ng mga mayor ng Metro Manila ay “nagkasundo sa prinsipyo” na ang mga hindi nabakunahan at bahagyang nabakunahan ay dapat manatili sa kanilang mga tahanan maliban sa mga mahahalagang biyahe sa ilalim ng Alert Level 3. Ipagbabawal din sila sa indoor at al fresco dining, hotel, at country club.

Dapat ipakita ng mga indibidwal ang kanilang vaccination card at identification card sa pagpasok sa mga establisyimento, ayon kay Abalos.

Ayon naman kay MMDA General Manager Don Artes, ang MMDA ay bumubuo ng isang sistema para sa random checking ng mga vaccination card, matapos silang makatanggap ng mga ulat ng mga pekeng card na ipinakita sa mga establisyimento.

“Nakikipag-ayos kami sa DICT (Department of Information and Communications Technology) at sa bawat local government unit sa National Capital Region para magkaroon kami ng cross-referencing sa pag-check kung hindi pekeng vaccination card na ipinapakita,” ayon Artes.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.