Mga abogado sa likod ng ‘demanda me’ ng mga dayuhan, ibinuking ng DOJ

0
149

Ibinuking ng Department of Justice (DOJ) si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa isang pagdinig sa Senado na may kinalaman sa 2024 budget ng kanilang ahensya ang mga abogadong sangkot sa “Demanda Me” system, isang mapanlinlang na gawain na ginagamit ng mga dayuhan sa bansa.

Sa naturang budget hearing, binigyang diin ni Secretary Remulla ang usapin tungkol sa “Demanda Me” modus, kung saan nagbabayad ang mga foreigners sa mga abogado upang maghain ng mga kaso laban sa kanilang sarili. Ginagawaq nila ito upang hindi sila ma-deport.

Ayon kay Remulla, may umiiral na batas na nagpapalabag sa pag-deport ng isang dayuhan habang may kaso ito sa Pilipinas. Isinasagawa ito ng mga dayuhan upang magkaroon sila ng legal na dahilan para manatili sa bansa.

Sa mga obserbasyon ng DOJ, napagtanto nila na halos kalahati sa mga banyagang nakakulong sa Pilipinas ay sila mismo ang nagpapakasampa ng mga kaso laban sa kanilang sarili.

Karaniwan ding kaso na inihahain ng mga dayuhan sa kanilang sarili ay ang mga may kaugnayan sa VAWC o violence against women and children. Isinulat ni Remulla ang isang halimbawa ng isang Japanese national na na-dismiss ng kaso matapos maghain ng VAWC laban sa kanyang kasintahan, na madalas namang dumalaw at nakikitaan ng magandang samahan.

Sa kabila ng ganitong mga kaso, layon ni Secretary Remulla na magkaroon ng mas mahigpit na regulasyon at parusa laban sa mga abogadong sangkot sa “Demanda Me” system, upang mapigilan ang ganitong mapanlinlang na gawain at mapanatili ang integridad ng batas sa bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.