Mga aral mula sa sitwasyon ni Doc Willie Ong: Tatlong mahalagang puntos

0
902

Sa kasalukuyang kalagayan ni Doc Willie Ong, may mga mahahalagang aral tayong maaaring mapulot. Narito ang tatlong bagay na sa tingin ko’y mahalagang bigyang-pansin.

Una, kung papasok ka sa isang laban, gaya ng pulitika, dapat handa ka sa lahat ng aspeto—hindi lang puso ang kailangan, kundi dapat handa rin ang iyong mental, pisikal, emosyonal, sosyal, at spiritual na kalusugan. Si Doc Willie Ong, na kilala sa kanyang mabuting puso at hangaring maglingkod, ay nakaranas ng matinding emotional breakdown nang tumakbo siya bilang vice president. “Hindi siya handa emotionally at socially,” kaya’t naging masakit ang epekto sa kanya ng mga batikos. Dapat may maayos na plano at paghahanda sa ganitong mga laban.

Pangalawa, kahit anong katayuan mo sa buhay, maging doktor ka man o hindi, walang exempted sa mga sakit. Kailangan nating bantayan ang ating kalusugan, at matutong magbalanse ng stress. Ayon kay Doc Willie, “ang stress ang dahilan kung bakit tayo nagkakasakit,” at madalas na unang naapektuhan ang ating mental health. Kaya mahalaga ang tamang pangangalaga ng ating katawan at pag-iwas sa sobrang stress.

Pangatlo, kailangan natin matutunan ang halaga ng pahinga. Si Doc Willie ay naging abala noon sa kanyang kampanya na umikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasama ang kanyang asawa na si Doc Liza. Dahil dito, napagod ang kanyang katawan, lalo na’t may dinadala rin siyang emotional stress. Ang katawan ay may hangganan, kaya’t mahalaga ang tamang pamamahinga at pag-aalaga sa sarili.

Higit sa lahat, huwag nating kalimutan ang humingi ng gabay mula sa Diyos. Siya ang nagbibigay ng lakas upang magpatuloy sa laban ng buhay. Kapag buo ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya, mapagtatagumpayan natin ang lahat ng pagsubok at mga pasanin sa buhay. “Ang Ama lamang ang nakakaalam ng ating misyon dito sa mundo,” kaya’t laging isama Siya sa ating mga plano upang manatiling motivated kahit maraming pagsubok at bashers.

Naniniwala ako na malalampasan ni Doc Willie Ong ang kanyang mga pinagdadaanan dahil batid niya kung ano ang nangyayari sa kanyang katawan. Sa lahat ng ating followers, palagi nating i-check ang ating PHYSICAL, MENTAL, SOCIAL, EMOTIONAL, at SPIRITUAL HEALTH. Ang balanseng kalusugan ng mga aspetong ito ang susi upang tayo’y manatiling malusog. At huwag ding kalilimutan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kumpletong ngipin, natural man o artificial, dahil malaki ang epekto nito sa ating pangkalahatang kalusugan.

Tandaan, “Love lang, Not Hate.”

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.