Mga babaing pulis pinarangalan ngayong Women’s Month

0
807

Pinasimulan ni Atty Joicel C. Sopeña-Bote, NAPOLCOM 4A Provincial Officer for Rizal ang seremonyas ng 2022 National Women’s Month celebration sa Police Regional Office CALABARZON, Camp BGen Vicente P Lim Calamba City, Laguna kaninang umaga sa temang “We Make Change Work for Women: Agenda ng kababaihan tungo sa kaunlaran.”

Kasama ni Bote kasama si Deputy Regional Director for Administration PBGEN Gregory B. Bogñalbal na naghandog ng mga parangal ng pagkilala sa mga policewomen awardees upang parangalan ang kanilang mga nagawa at kontribusyon sa serbisyo ng pulisya.

Kabilang sa mga pinarangalan sina PCPT Armina Estrada Eclavea ng WCPD4A-RHQ, PEMS Sharen Fernando Ama ng Batangas PPO, PEMS Minerva San Gabriel Marcelino ng Rizal PPO, PSSg Daisy ESpiritu Dimapilis ng Cavite PPO, PCpl Jean Kenneth Millar Galiza ng Quezon PPO. at Pat Ma. Paula Guevarra Antona ng Laguna PPO.

“The awards given would mean that not only these policewomen-awardees made a difference in the police service but they also mean that women are breaking barriers in an environment dominated by males. Women are making their own stamp, our own mark, despite all odds, despite the stereotypes, and challenges faced by the very fact of our gender. And with that, we should really celebrate as we have come a long way”, ayon kay Bote sa kanyang pagbati sa mga pinarangalan.

Bawat taon, ang buwan ng Marso ay isang panahon ng pagdiriwang ng pag-unlad at mga tagumpay ng kababaihan sa buong mundo. Ang buong buwan ay tumatawag ng pansin sa tagumpay ng kababaihan sa larangan ng panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura, at pampulitika. Isa itong panahon upang kilalanin ang mga babaeng may tapang, may liderato, talino, at pananaw, dagdag pa ni Bote.

Ang PRO CALABARZON ay may mga naka-line-up na aktibidad para sa isang buwang pagdiriwang ng National Women’s Month.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.