Mga  bagong imprastraktura sa Laguna, pinasinayaan

0
708

Sta. Cruz, Laguna. Pinasinayaan ang mga bagong tayong multi-purpose building sa Brgy, San Pablo Norte at sa Brgy. Jasaan sa bayang ito noong nakaraang linggo. 

Sa Pansol, binuksan din ang isang dalawang palapag ng eskwelahan kasabay ng paghuhudyat ng simula ng pagkukumpuni ng Pila-Pansol provincial Road na ginanap sa bayan ng Pila.

Nanguna si Laguna Governor Ramil Hernandez at Laguna Vice Governor Karen Agapay sa mga ginanap na inagurasyon.

“Sa paglalaan po ng pondo para sa mga proyektong ito ay natupad ang pangarap na magtatag ng mga imprastraktura para sa kapakinabangan ng mga mamamayang naninirahan malapit dito. Patunay po ito ng pag-unlad ng bawat barangay sa patuloy na pagsulong ng lalawigan,” ayon kay Hernandez.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.