Mga balikbayan box na hindi natubos, idedeliber bago sumapit ang Pasko

0
279

MAYNILA – Mahigit 100 balikbayan box ng mga overseas Filipino worker na matagal nang nakatengga ang idedeliber sa kanilang mga pamilya bago ang Araw ng Pasko, at hindi na sisingilin ng anumang bayarin ng pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa NAIA Terminal 3 nitong Martes, kung saan sinabi niyang sinimulan na ng Bureau of Customs ang paglabas at pamamahagi ng mga laman ng mga inabandonang container van, kabilang ang humigit-kumulang 130 balikbayan box, sa mga tunay na may-ari.

Ayon sa Pangulo, ang mga balikbayan box ay ipinadala ng mga OFW para sa kanilang mga pamilya, ngunit nabigong matubos ng mga consignee dahil sa hindi nabayarang fees at buwis.

Dahil dito, halos isang taon na naiwang nakaimbak sa Bureau of Customs ang mga padala.

“We have now started the process of releasing and returning them, because these do not belong to the government. They belong to our OFWs,” pahayag ni Marcos.

Paalala ng pamahalaan, ang mga kwalipikadong Pilipino, kabilang ang mga OFW, ay maaaring magpadala ng balikbayan box mula sa ibang bansa nang walang binabayarang duties at buwis, alinsunod sa umiiral na patakaran ng Bureau of Customs.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo