Mga baril at pampasabog, nakumpiska sa Batangas

0
501

San Juan, Batangas. Nakumpiska ang mga baril at pampasabog sa bahay ng isang suspek na miyembro ng Eleazar Rocio Criminal Group sa ilalim ng isinagawang operasyon sa Sitio Marecacawan, Brgy. Quipot, San Juan, Batangas.

Kinilala ng Batangas PNP ang suspek na si Jay R. Urmenita Bas, 37 anyos, tubong Davao City at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na bayan.

Sa pinagsanib na pwersa na pinangunahan ng Provincial Intelligence Unit-Batangas Provincial Police Office kasama ang Office of the Provincial Director-Drug Enforcement Unit, Batangas Provincial Mobile Force Company/Special Weapon and Tactics, 403rd A MC, RMFB-4A, RID4A-RIT Batangas, RIU-4A, NISG Southern Luzon at ng San Juan MPS nakuha sa bahay ng suspek ang iba’t ibang kalibre ng baril kabilang ang Cal. 5.56 rifle Colt, Cal. 9mm pistol, Cal 9mm Jericho, Armscor Cal. 40 pistol, mga magazine at samut-saring bala ng baril at mga pampasabog tulad ng rifle grenade, dalawang hand grenade, at iba pang mga kagamitan.

Ayon sa mga ulat, pangunahing gawain ng nabanggit na grupo ng mg kriminal ang gun for hire at ang pag-ooperate ng iligal na sugal.

Kasalukuyang inihahanda na ang mga dokumento upang masampahan ng mga kaukulang kaso ang suspek.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.