Mga baril nadiskubre ng Laguna PNP sa isa sa 5 inarestong suspek na pusher

0
405

Santa Rosa City, Laguna.  Nadiskubre ng mga pulis ang isang kalibre .38 na baril sa isang suspek sa anti-illegal drugs sa lungsod na ito. 

Si Reynaldo de Guzman alyas Rey, 60 anyos at tubong Maynila ay nadakip ng Sta. Rosa Police Station sa pamumuno ni PLTCOL PAulito M. Sabulao sa isang buy-bust operations sa Rivera Heights Subd. Brgy. Labas sa nabanggit na lungsod kahapon. Kasama ng .38 baril ay nakuha din sa kanya ang isang paltik na baril at 3 sachet ng hinihinalang shabu.

Sa ilalim naman ng pangangasiwa ni PLTCOL Arnel Pagulayan, hepe ng Calamba City Police Station, inaresto si Mark Angelo Silva, 31 anyos na pintor kasama si Jonalyn Sinot, 30 anyos sa isang bukod na buy0bust operations na isinagawa sa Purok 5, Brgy. 2, Calamba City. Nakuha sa kanila ang 4 na sachet ng pinagdududahang shabu na may street price na Php 13,600.

Sa isa pang bukod na operasyon ng Calamba Police Station, nasakote din si Alexander Talisik alyas Alex, 39 anyos na construction worker

Kasabay nito ay inaresto din sa isang operasyon ng Sta. Cruz Municipal Police Station sa pangunguna ni PLTCOL Paterno L. DOmondon si Dante Maas, 47 anyos na isang mason at karpintero matapos mahulog sa bitag ng isang pulis na nagpanggap na drug buyer sa  at Sitio 1, Brgy. Patimbao, Santa Cruz, Laguna. Nakuha naman sa kanya ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu.

Ang mga inaresto ay kakasuhan ng paglabag sa R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, habang si Reynaldo De Guzman Diaz ay may dagdag na kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act (Violation of RA 10591) sang ayon sa COMELEC Resolution No.10728, ayon sa report na ipinadala ni ni PCOL Rogarth B. Campo kay Regional Director PRO-Calabarzon PBGEN Eliseo DC Cruz.

“We will further intensify our operations against illegal drugs and loose firearms especially that the election is fast-approaching, ayon kay Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.