Mga buntis at nagpapa-breastfeed na ina kasali na sa 4Ps

0
245

MAYNILA. Maaari nang maging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang mga buntis at nagpapa-breastfeed na mga ina.

Inanunsyo ito matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak ng coverage ng 4Ps upang masiguro ang kaligtasan ng mga sanggol sa unang 1,000 araw ng kanilang buhay.

Noong Pebrero, iminungkahi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang panukalang reporma sa 4Ps, kung saan nais nilang itaas ang cash grants sa First 1,000 Days (F1KD) ng mga bata. Ang layunin nito ay upang mapataas ang purchasing power ng 4Ps beneficiaries at maiwasan ang malnutrisyon sa mga bata.

Kahapon, sa isang sectoral meeting, inaprubahan ni Pangulong Marcos ang panukala ng DSWD na maglaan ng ayuda sa mga buntis at nagpapasusong ina. Ito ay upang masiguro na mabibigyan sila ng serbisyong pangkalusugan at matugunan ang kalusugan ng mga bata sa unang 1,000 araw.

Sa ilalim ng kasalukuyang programa, ang isang 4Ps beneficiary-family ay makakatanggap ng:

  • Daycare at elementary grant na P300 kada bata kada buwan, sa kondisyon na sila ay pumapasok sa eskwelahan.
  • P500 kada bata tuwing isang buwan sa loob ng 10 buwan para sa junior high school.
  • P700 kada bata tuwing isang buwan sa loob ng 12 buwan para sa senior high school.

Ang pagpapalawig ng programa ay inaasahang magbibigay ng karagdagang suporta sa mga pamilya at magpapatibay ng kalusugan ng mga ina at kanilang mga anak.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo