Mga kandidato, publiko muling pinaalalahanan sa health protocols

0
299

Isang linggo na lang ang natitira bago matapos ang panahon ng kampanya, hindi dapat kalimutan ng mga kandidato at tagasuporta ang minimum public health standards (MPHS) hanggang sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9, ayon sa paalala ng Department of the Interior and Local Government kanina sa ang mga local government units (LGUs) at political parties na sila na ang bahalang sumunod sa mga batas.

“We are calling LGUs to strictly enforce the Comelec (Commission on Elections) Resolution 10732 that sets the guidelines on the conduct of campaign activities complying with health protocols set by IATF (Inter-Agency Task Force,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año sa isang text message.

Hinikayat din ni Año ang mga organizer na mahigpit na makipag-ugnayan sa mga LGU at bigyang pansin ang mga health protocols habang ang Philippine National Police (PNP) at mga opisyal ng barangay ay naatasang tumiyak na nasusunod ang mga patakaran.

“Organizers must ensure that there are safety marshals and health stations,” ayon sa kanya.

Binigyang-diin ni Año na ang pinakamalaking hamon ay magaganap sa Mayo 9 kung kailan hindi bababa sa 60 milyong botante ang magtutungo sa mga polling precinct sa buong bansa.

Sinabi ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya sa isang pahayag na nakahanda ang buong organisasyon ng DILG na gampanan ang tungkulin nito sa pambansa at lokal na botohan.

Aniya, 16,820 PNP personnel ang ipinadala para sa election duties at karagdagang 41,965 ang naka-deploy sa 5,531 Comelec-supervised checkpoints.

Dalawang mobile force unit sa bawat probinsya ang naka-standby habang mas maraming police units ang ipinapadala sa 104 na munisipalidad at 14 na lungsod na kinilala bilang mga hotspot.

Ang mga taong may sintomas ng Covid-19 ay maaari pa ring bumoto sa mga itinalagang isolation room ngunit ang mga nasa quarantine ay hindi pinapayagang lumabas.

Magdedeploy ang Department of Health ng kanilang mga tauhan at titiyakin ng Department of Education na mayroong isolation polling places.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na hindi kinakailangan ng mga botante na magpakita ng negatibong resulta ng pagsusuri sa Covid-19.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.