Mga kandidato sa pagka pangulo sa 2022, hinikayat ni PNP Chief Dionardo Carlos na sumailalim sa drug test

0
334

Hinihikayat ni PNP Chief Dionardo Carlos ang lahat ng kandidato sa pagka pangulo na sumailalim sa drug test upang maging huwarang halimbawa sa kanilang mga kababayan sa pagpapatunay na hindi sila mga drug users.

Ang drug test ay hindi requirement ng Comelec, ayon sa PNP chief kahapon, Nobyembre 20, 2021. “The PNP acknowledges that no law mandates the candidate to undergo a drug test but doing so will set an example to their countrymen by proving that they aren’t users of illegal drugs,” ayon kay Carlos.

Isa sa mga kandidato sa pagka pangulo ay cocaine user, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Nobyembre 18, 2021 ngunit wala siyang binanggit na pangalan.

“Kapag may mga pumapasok na mga relevant information sa amin, definitely we will conduct an investigation. As of this time, we are trying to get additional information on that matter,” dagdag pa ni Carlos.

Ang nabanggit na pahayag ni Duterte ay nagbunsod upang bumuo ang PNP ng initial fact-finding committee upang mangalap ng sapat na ebidensya laban sa binanggit na diumano ay cocaine user. Nauna dito, sinabi ni Presidential Spokesperson Karlo Nograles na bahala na ang PNP sa magiging kapalaran ng mapapatunayang cocaine user sa mga presidential candidate batay sa pahayag ni Duterte, ayon pa rin sa report.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.