Mga kandidatong lalaktaw sa mga debate ng Comelec, pagbabawalang gumamit ng e-rally platform

0
320

Hindi papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pambansang kandidato na gamitin ang kanilang e-rally platforms kung hindi sila dadalo sa presidential at vice-presidential debates na idaraos ng poll body, ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez kanina.

Ang MOA ay kaugnay ng pagtatanghal ng Pilipinas Debates 2022.

Sinabi ni Jimenez na ang parusang ito ay magkakabisa hanggang sa katapusan ng panahon ng kampanya.

Umaasa si Comelec acting chairperson Socorro Inting na lahat ng siyam na kandidato sa pagkapangulo at 10 vice-presidential aspirants ay dadalo sa mga debate.

Ang unang presidential debate ay nakatakda sa Marso 19 habang ang vice-presidential debate ay naka-iskedyul sa Marso 20. Ang pangalawang presidential debate ay nakatakda sa Abril 3

“I really hope all the candidates will participate in the debates sponsored by Comelec. One who refuses or skips the debate will not be allowed to join the e-rallies,” dagdag pa ni Inting.

Sa pagsisimula ng campaign period para sa mga pambansang kandidato noong Pebrero 8, pinayagan sila ng Comelec na gamitin ang e-rally platform kung saan naipakita nila ang kanilang campaign sorties online.

Bukod sa hindi magagamit ang e-rally platform, ang podium ng mga kandidatong hindi sasali sa mga debate ay iiwang walang laman sa kaganapan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.