Mga mag-aaral tumanggap ng mga Chromebook

0
502

San Pablo City, Laguna. Tumanggap kaninang umaga ng Acer Chromebook ang 21 mag aaral sa lungsod na ito sa ilalim ng Students Chromebook Grant Part 2 na proyekto ng Apo Midwest Alumni Association USA at ng San Pablo Jaycees Senate sa pagtataguyod ni San Pablo City Mayor Vicente B. Amante.

Kabilang sa mga mag aaral na napagkalooban ng touch screen Chromebook sina Gillian Boncajes, Claire Antonette Delos Reyes, Lorenzo Guevarra at Maria Charizze B. Caponpon ng Prudencia D. Fule Memorial National High School; Jianne S. Maranan at Chennie C. Del Mando ng San Cristobal Integrated High School; Lian Rose Divina, Andrei Yedra, Ann Rasel Cabarubias, John Lester Capus at Rosellon Minas ng Crecencia Drusila Lopez Senior High School (Learners with Disabilities); Azxekhiel Francesca V. Dionglay ng  University of the Philippines Rural High School; Ann Loraine S. Malabuyoc, Alliah Xyriel V. Casal at Ivy Dianne Olayao ng San Pablo City Integrated High School; Angela N. Mingo at Rhodalyn Almanza ng  Col. Lauro D. Dizon Memorial Integrated High School; Lil Jon Clyde P. Recto ng Laguna College; Michelle Maghirang Lacanaria at Eva Alberga Lulon ng  San Jose Integrated High School at Sarah Zephania B. Lozano ng San Bartolome Integrated High School.

Sumaksi sa bigayan ng Chromebooks si Schools Division Superintendent Dr. Daisy Miranda at San Pablo City Councilor Carmela Acebedo sa isang luncheon program na ginanap sa tahanan ni Mayor Amante at kanyang maybahay na si Gem Castillo sa San Pablo Highlands sa Brgy. San Jose, sa nabanggit ng lungsod.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Amante na natutuwa siya para sa mga batang tumanggap ng Chromebook na magagamit nila sa pag aaral. “Sa aking administrasyon ay laging una sa aking prayoridad ang edukasyon sapagkat edukasyon ang susi ng pag unlad ng pamilya, ng komunidad at ng bayan,” ayon sa kanya.

“Malaking tulong sa mga bata at sa mga guro ang mga Chromebooks na natanggap ng mga mag aaral sapagkat magiging mas madali ang online learning,” ayon naman kay Dr. Miranda.

“Sa mga batang tumanggap ng touch screen chromebook, Congratulations sa inyo at nawa ay magamit ninyo ito sa pag abot ng inyong mga pangarap na makatapos sa pag aaral at magkaroon ng magandang buhay. Pagdarasal, determinasyon, tiwala sa sarili at pokus sa pag aaral – ito ang aking bilin sa inyo,” ayon sa mensahe ng singer at dating miyembro ng That’s Entertainment na si Castillo, guest of honor ng maikling programa kung saan siya ay naghandog ng isang awit.

Kasama ni Mayor Amante, ang Students Chromebook Grant Part 2 ay proyekto ng APO Midwest Alumni Association sa liderato ng pangulo nito na si Esther Suico Daymiel at Gary Hernal, ang project chair para sa Estados Unidos; JCI Senator Venus P. Funtanilla, project chair para sa Pilipinas at JCI Senator Marius Myrone S. Zabat. Jr., pangulo ng San Pablo Jaycees Senate.

Matatandaan na sa unang bugso ng Covid-10 pandemic noong 2020 ay napilitang ang Department of Education na ipatupad ang distance learning sa gitna ng kakulangan sa kahandaan sa bahagi ng mga mag aaral. Layunin ng proyekto na makapagbigay ng tulong sa mga mag aaral na walang kakayahang bumili ng gadget para sa online learning.

Guro ng palatuntunan sina Francis Dionglay, Teacher 3 ng Prudencia D. Fule Memorial National High School kasama si Reyna Marie C. Garcia.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.