Mga miyembro ng kilabot na kidnap for ransom group, arestado sa Laguna

0
422

PANGIL, Laguna. Arestado sa bayang ito kamakalawa ang mga suspek na miyembro ng DI Listed-Madriaga Kidnap for Ransom Group sa bisa ng Search Warrant no. 2023-190 at 2023-191 na iniisyu ni Judge Agripino Bravo, Executive Judge ng 4th Judicial Region, Lucena City. 

Kabilang sa lumusob ang pinagsamang pwersa ang Provincial Intelligence Unit, Laguna Police Provincial Office (PPO), Provincial Safety and Operations Unit, Pangil Municipal Police Station, Laguna Police Mobile Force Company, Laguna Police Mobile Force Company at Special Weapons and Tactics team. Kasama din ang mga tauhan ng mga police station ng Calamba Sta. Rosa, San Pablo at Binan. Sumuporta sa operasyon ang anti-kidnapping group ng Camp Crame.

Kinilala ni PCol Harold Depositar, direktor ng Laguna Police Provincial Office ang mga suspek na sina Allan Laurenciano Guevarra, 45 anyos na farm caretaker, at residente ng Sitio Logpond, Brgy. Sulib, Pangil, Laguna at Edwin Prestado, 54 anyos na farm security personnel at residente ng Rampage Madriaga Farm, Brgy. Galalan, Panguil, Laguna.

Dinakip din ang isang Jonathan Arante, 68 anyos na isa ring caretaker ng Madriaga’s Farm at tubong Talaingod, Davao Del Norte ngunit kasalukuyang naninirahan sa Rampage Madriaga’s Farm, Brgy. Galalan, Panguil, Laguna.

Nakakulong ngayon ang mga hinuling miyembro ng sindikato ng kidnap for ransom habang isinasagawa ang mga kaukulang proseso.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.