Mga NBI agents kinasuhan ng ina ng mga suspek hinggil sa kaso ng mga nawawalang sabungero

0
363

Batangas City. Patuloy na binubuo ng mga imbestigador ang lahat ng ebidensya at mga link na nagtutulak sa kanila upang matukoy ang mga suspek sa kaso ng 34 nawawalang sabungero.

Gayunpaman, ang ina ng dalawang suspek, ay nagsampa rin ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga agents ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa diumano ay torture at gawa-gawang mga kaso laban sa kanyang mga anak.

Sinabi ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sinusuri ng mga imbestigador ang lahat ng magagamit na ebidensya pagkatapos ng “isang anggulo na hindi maganda.”

“We are not stopping. We are still looking at the other evidence that we can use,” ang sabi ni Remulla sa mga reporters.

Si Joyce Manio ay nagsampa ng complaint-affidavit sa Office of the Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices laban sa mga abogadong sina Ross Jonathan Galicia at Eduardo Ramos Jr.; at mga ahente na sina Levi Mora Orille, Aubrey Cosidon, Eigelbert Pulan, Abner Dotimas, Nestor Gutierrez, Allan Ernesto Elefante at Gary Menez ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs.

Ang siyam na tauhan ng NBI ay kinasuhan ng sexual assault, planting of evidence, torture, graft, incriminating innocent persons at pagkaantala sa paghahatid ng mga nakakulong sa tamang  judicial authorities.

Bukod sa mga kasong kriminal, ang mga ahente ng NBI ay sinampahan din ng mga kasong administratibo para sa serious dishonesty, grave misconduct, oppression, conduct prejudicial to the best interest of the service, sexual harassment at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees .

Inaresto sina Nicacio at Nicholes, mga anak ni Manio, noong Hunyo 8, 2021 dahil sa diumano ay partisipasyon nila sa pagdukot at pagkawala ng mga online cockfight workers na sina Johnver Francisco at Frank Tabaranza sa Meycauayan, Bulacan dalawang buwan na ang nakaraan.

Sinabi ni Manio na inaresto ng NBI-TFAID ang kanyang mga anak sa kanilang bahay sa Brgy. Santolan, Pallocan, Batangas City noong Hunyo 8, 2021 nang walang ibinigay na dahilan o warrant of arrest.

Sa isa sa kanyang mga pagbisita, sinabi ni Manio na isinumbong sa kanya ng kanyang mga anak na binugbog sila ng mga ahente; sinubuan ng mga ilegal na droga, mobile phone, relo, at baril na kinumpiska umano sa kanilang bahay; at pinilit silang pumirma sa mga dokumento ng hindi nagpapaliwanag kung para saan ang mga ito.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.