Mga opisyal ng Ukraine at Russia, nagharap sa first round ng peace talks

0
409

Natapos na ang unang round ng peace talks sa pagitan ng delegasyon ng Ukraine at Russia sa Gomel, Belarus.

Tumutok ang pulong sa pagkakaroon ng cease fire at paatrasin ang pwersa ng Russia na nasa Ukraine.

Batay sa mga report, may nailatag ng plano ang magkabilang panig. Samantala, bumalik na sa kani kanilang bansa ang mga delegado upang magsagawa ng konsultasyon.

Magkakaroon pa ng ikalawang round ng peace talks, ayon sa mga kinatawan ng Russia na itatakda sa Polish Belarusian border.

Sa kasalukuyan ay patuloy na inaatake ng Russia ang Ukraine. Namataan kahapon ang tinatantyang 40 milyang haba ng convoy ng armored Russian military malapit sa Kyiv kung saan ay kasalukuyang nagaganap ang mabigat na bombahan. Nagbabanta ito ng panibagong yugto ng labanan pagkatapos ng anim na araw ng mahigpit na Ukrainian resistance.

Kabilang sa nasira ang pinakamalaking cargo plane sa mundo, ang Antonov-225 ng Ukraine. Nawasak ito sa mga pag atake ng Russia sa labas ng Kyiv sa ika-apat na araw ng pagsalakay ng Moscow, ayon sa Ukroboronprom group na pag-aari ng estado ng Ukraine.

Matatagalan bago muling makalipad ang Antonov-225 at aabutin ng humigit kumulang na $3B ang gagastusin upang maisaayos ito.

Samantala, sa gitna ng pakikipaglaban ng Ukraine upang ihinto ang pagsalakay ng Russia, hinihiling ni Pangulong Volodymyr Zelensky sa mga pinuno ng European Union na payagan ang bansa na agad na maisali sa club matapos siyang pumirma sa application for membership kahapon.

Ang pinakamalaking cargo aircraft sa mundo, ang Antonov AN-225 o ‘Mriya’, ay winasak ng mga tropang Ruso sa pag-atake sa isang airport malapit sa Kyiv.

Isang satellite image ng isang malaking Russian military convoy sa hilaga ng Kyiv noong Lunes, na umaabot ng halos 40 milya, mula sa Antonov airport sa timog hanggang sa hilagang dulo ng convoy malapit sa Prybirsk, ayon sa mga analyst. Larawan: Maxar Technologies
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.