Mga Palaboy, ipasok na sa 4Ps — Marcos

0
508

MAYNILA. Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isama ang mga palaboy, kabilang ang mga batang lansangan, sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang programa ng ahensiya.

Sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, binigyang-diin ng Pangulo na ang mga palaboy ang higit na nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan. Inutusan din niya ang mga lokal na pamahalaan na tukuyin at hanapin ang mga palaboy upang mabigyan ng suporta.

“Sa ating mga LGU, hanapin ninyong lahat at ipasok silang lahat sa 4Ps at sa iba pang mga programa ng DSWD. Para naman maitaguyod natin sila at magsimula na ang kanilang paglalakbay tungo sa pag-unlad ng kanilang buhay,” ani Marcos.

Ayon sa Pangulo, higit 5 milyong pamilya ang nabigyan ng conditional cash grant sa ilalim ng 4Ps simula nang maupo siya sa puwesto. Ipinagmalaki rin niyang mahigit 1.5 milyong pamilya na ang nakatapos o “graduate” na sa programa dahil sa pagbuti ng kanilang kabuhayan.

“Itong susunod na tatlong taon, bibigyan natin ng prioridad ang mga anak ninyong tutungtong sa kolehiyo. Kitang-kita natin ang bunga ng mga programang ito,” dagdag pa ng Pangulo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo