Mga Pilipino sa Israel pinag-iingat matapos ang Iran missile attack

0
119

MAYNILA. Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Israel ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa bansa matapos ang paglunsad ng Iran ng ballistic missiles nitong Martes. Ipinayo ng embahada na agad na magtungo ang mga Pilipino sa mga “protected spaces” bilang pag-iingat.

Ayon sa embahada, dapat sundin ng mga Pilipino ang mga direktiba ng Home Front Command ng Israel upang matiyak ang kanilang kaligtasan. “Mag-ingat po tayong lahat. Ang inyong kaligtasan ay mahalaga sa amin,” ayon sa pahayag ng embahada.

Ang paalalang ito ay kasunod ng missile strike ng Iran bilang ganti sa kampanya ng Israel laban sa mga kaalyado ng Hezbollah sa Lebanon. Ayon sa ulat ng Reuters, “Alarms sounded across Israel and explosions could be heard in Jerusalem and the Jordan River valley after Israelis piled into bomb shelters.”

Patuloy na mino-monitor ng embahada ang sitwasyon at nananawagan sa mga Pilipino na maging alerto at handa sa anumang kaganapan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo