MAYNILA. Kinumpirma ng Philippine Embassy sa London na may mga Pilipinong nadamay at naging target ng mga marahas at umano’y racist riots sa Ballymena, Northern Ireland, matapos ang insidente ng diumano’y pang-aabuso ng dalawang kabataang Romanian.
“Unfortunately, in the ensuing unrest, Filipinos in the area have been targeted,” ayon sa pahayag ng embahada noong Hunyo 12.
“It is regrettable that innocent individuals have been caught in the crossfire. The Embassy is closely monitoring the situation and is in constant coordination with local authorities to ensure the safety and security of all Filipinos in the area,” dagdag pa ng embahada.
Ayon sa mga ulat, ilang kabahayan at sasakyan na pag-aari ng mga Pilipino ang sinunog sa gitna ng kaguluhan.
Inaasahang darating sa Northern Ireland si Ambassador Teodoro Locsin Jr. sa Hunyo 13 upang personal na makipag-ugnayan sa Filipino community at tiyaking ligtas ang mga kababayan sa lugar.
Nanawagan din ang embahada sa mga Pilipino sa Ballymena at mga kalapit na lugar na manatiling alerto, sumunod sa mga abiso ng lokal na awtoridad, at agad makipag-ugnayan sa embahada para sa anumang kagyat na tulong.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo