Mga pulis ng San Pablo City nagbigay ng mga rosas sa Araw ng mga Puso

0
493

San Pablo City, Laguna. Hindi warrant of arrest kundi mga rosas ang iniabot sa mga dilag ng mga pulis sa lungsod na ito kaninang umaga bilang pagsalubong sa Valentine’s Day.

Nagsilabas ang mga pulis sa kalye at nag abot ng rosas sa lahat ng babae na kanilang nakasalubong na naghatid ng ngiti, tuwa at kilig sa magagandang binibini na nakatanggap.

“Una sa lahat ay bumabati ako ng Happy Valentine’s Day sa lahat specially to my wife, Riza Jane. Opo, namigay ng flowers ang mga pulis ng San Pablo City upang isulong ang pagmamahalan, kapayapaan at makapagbigay ng galak. Layunin din po nitong ikonekta ang mga pulis sa komunidad at higit sa lahat, ito po ay isang paraan upang maramdaman ng mga pulis ang pagmamahal at concern sa publiko,” ayon kay PLTCOL Alegre.

“Nakakatuwa dahil nababago ang impresyon ng mamamayan sa pulis na hindi naman pala sila nakakatakot dahil they went out of their way to give flowers to the ladies,” ayon kay Vanessa Titular, San Pablo City Government Assistant Department Head ng City Disaster Risk Reduction and Management Office; isa mga nakatanggap ng rosas mula sa mga pulis.

“I’m touched. I think it’s a cute gesture. Thank you po, Mamang Pulis. Nakakatuwa dahil hindi naman pala nakakatakot ang pulis but they are sweet and gentle human being,” ayon naman kay Maria Donnalyn Brinas, Chief ng San Pablo City Tourism Office.

Kasabay nito ay nagbigay si Alegre ng Valentine treat sa kanyang mga tauhan kung saan pinagsaluhan nila ang isang masaganang tanghalian sa Palmeras Garden Restaurant.

“Simple luncheon lang po, light moments lang, kwentuhan para mainspire lalo mga staff ko na maging dedicated sa kanilang trabaho at sa serbisyo publiko,” ang pagtatapos ng hepe ng pulis ng San Pablo City.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.