Mga simbahan sa Batangas nangangalap ng mga donasyon na N-95 mask

0
336

Kasalukuyang nagbubuga ang Taal Volcano ng nakakalasong gas

Humihingi ng donasyon ang Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) sa lalawigan ng Batangas ng N-95 mask sapagkat nagbubuga ng sulfur dioxide ang Taal Volcano nitong mga nakaraang araw.

Sa pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) news website nitong Biyernes, sinabi ng LASAC na “kailangan pa rin ng N95 (masks), lalo na ang mga lugar malapit sa Taal Volcano,” ayon sa grupo.

Ang mga donor ng face mask ay maaaring magdala ng kanilang mga donasyon sa punong-tanggapan ng LASAC sa St. Francis de Sales Major Seminary compound sa Lipa City.

Ayon sa mga eksperto, ang N95 mask ay nagbiigay ng mataas na antas ng proteksyon dahil sinasala nito ang malalaki at maliliit na particle kapag humihinga ang nagsusuot.

Sa 5 a.m. Saturday bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa Alert Level 1 na ang Bulkang Taal.

Hindi pinapayagan ang pagpasok sa Taal Volcano Island (Permanent Danger Zone), lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures.

Ipinagbabawal din ang pag-okupa at pamamangka sa Taal Lake, at pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw at malapit sa bulkan.

Ang mga posibleng panganib na maaaring mangyari ay kinabibilangan ng steam-driven o phreatic o gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas, ayon sa Phivolcs. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.