Mga suspek sa church robbery sa Laguna, timbog

0
566

Pagsanjan, Laguna. Arestado sa follow up operations ng Pagsanjan Municipal Police Station ang apat na suspek sa pagnanakaw sa simbahan ng Our Lady of Guadalupe Shrine sa bayang ito.

Nauna dito, nagsadya sa Pagsanjan MPS sina Marjorie Alcaraz Flores, organista ng simbahan at Gerald Ragaza  Lorenzo, 18 taong gulang na sakristan at ipinagbigay alam ang naganap na nakawan sa loob ng simbahan.

Agad na nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang mga operatiba ng Pagsanjan MPS sa pangunguna ni Acting Chief Police Major.Silver S. Cabanillas at napag alaman na bukod sa tabernakulo ay nawawala din ang halagang limampung libong piso at  isang unit ng Oppo Cell phone .

Lumitaw sa pagsisiyasat na nakapasok ang mga suspek sa pamamagitan ng pag akyat sa bakod sa likuran ng simbahan at sinira ng mga ito ang pintuan at bintana ng tanggapan ng Parokya kung saan ay ninakaw nila ang pera at cell phone.

Kinuha din ng mga magnanakaw ang tabernakulo at mga pera sa tatlong kahon ng donasyon at bago tumakas.

Nobyembre 6, 2022, matapos ang walang tigil na follow up operation at nahuli ang mga suspek na kinilala ni Cabanillas na sina Rogel Oliveros y Tarray, 28 anyos na construction worker, of Brgy. Sto. Angel Sur, Sta. Cruz, Laguna; Emmanuel Valenzuela y Sarmiento ng Brgy. Gatid, Sta. Cruz, Laguna; Jose James Yaneza y San Jose ng Brgy. Maulawin, Pagsanjan, Laguna; Bernabe Bernante y Adrianong Brgy. San Isidro, Pagsanjan, Laguna. Nakuha ng mga pulis kay Oliveros ang nawawalang Oppo cellphone.

Samantala patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang isa pang suspek na kinilalang si Gerald Lagamon y Estar ng Brgy. Sto. Angel Sur, Sta. Cruz, Laguna.

Nakatakdang humarap sa kasong kriminal na robbery ang mga suspek at kasalukuyang nakakulong sa Pagsanjan custodial facility.

“We will assure you that in Pagsanjan, “Life Is Beautiful, Kaligtasan Niyo, Sagot Ko, at Tulong-Tulong Tayo” in achieving the peace and security framework,” ayon sa mensahe ni Chief PNP PBGEN Rodolfo S. Azurin Jr.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.