Mga taong nag aatubiling magpabakuna, babahay bahayin ng DOH-Calabarzon at mga LGUs

0
283

Lalawigan ng Laguna at Rizal, target na bahay bahayin ng DOHCALABARZON

Calamba City.  Sinimulan Department of Health CALABARZON at ng mga local government units (LGU) sa mga lalawigan ng Laguna at Rizal ang house-to-house na kampanya upang solusyunan ang pag aatubili sa pagpapa bakuna sa pamamagitan ng lokal na paghahatid ng inpormasyon.

“Napakahalaga ng tamang impormasyon at tamang komunikasyon upang malabanan ang vaccine hesitancy at misinformation na natatanggap ng mga eligible recipients. Kailangang gawin ang localized information campaign upang mas maging focused ang pagbibigay at pagpapaliwanag sa kahalagahan ng bakuna laban sa Covid-19. Ang bakuna ay nakakapag ligtas ng buhay. The delay in the acceptance or refusal to accept the vaccine despite its availability is a threat not only to the individual but to the family and community as well,” ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo. 

Tinukoy ng DOH ang mga barangay sa dalawang nabanggit na lalawigan kung saan ay mataas ang vaccine hesitancy rate, ayon kay  Jeannette C. Atienza, head of the regional Health Education and Promotion Unit (HEPU) na mangunguna sa isasagawang house-to-house information dissemination.

Kabilang sa mga dahilan ng pagtanggi sa bakuna ang pagdududa sa bisa at kaligtasan ng bakuna, paniniwalang panrelihiyon, takot sa karayom at maling impormasyon na sanhi ng mga fake news, batay sa paliwanag ng DOH CALABARZON.

“This can only be addressed through effective communication and ensuring that proper information given to intended targets. This requires effective outreach activity to be able to provide them the knowledge and information on the various vaccine options and understand their role in it. Makakatulong din dito ang mga nabakunahan na upang makapagbigay ng personal at aktwal na karanasan at pagpapatunay sa kaligtasan at kahalagahan ng bakuna laban sa Covid-19. The information they provide helps lessen misinformation and prevents its negative consequences,” dagdag pa ni Atienza.

Pinulong din ng DOH sa nabanggit na rehiyon ang mga empleyado mula sa mga tanggapang panlalawigan at pambayan sa Laguna at Rizal kasama ang mga barangay health workers, barangay officials at mga guro at binigyan ng tamang  kaalaman kung paano hihikayatin ang mga mamamayan na ayaw magpabakuna dahil sa mga maling akala tungkol sa bakuna.

Samantala, umabot na sa 10,100,763 ang bilang ng nabakunahan na sa CALABARZON, batay sa report noong Nobyembre 9, 2021.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.