Mga tricycle drivers, minasahe ng IM Pilipinas ni Isko Moreno

0
361

Sta. Cruz, Laguna.  Nagsagawa ng proyektong “Libreng Masahe sa Driver na Swabe” si Manila Mayor Isko Moreno para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association  kahapon sa bayang ito.

Ayon sa Secretary General ng I’m Pilipinas Movement 2022 na si Elmer Argaño, bahagi ito ng community service ng IM Pilipinas, grupong sumusuporta sa presidential bid ni Moreno.

Kasabay nito ay nakipag dayalogo sa programang ISKOwentuhan si Moreno sa mga miyembro ng Tatlong Gulong. Nagpahayag ng mga hinaing ang mga miyembro nito partikular sa pag aalis ng mga terminal sa nabanggit na bayan.

Kabilang din sa mga community service ng IM Pilipinas ang Kalinga na nakatutok sa pangangalaga sa kalusugan ng senior citizens at ISKOlayan na nakatuon naman sa kapakanan ng mga bata.

Nagbigay din ang grupo ni Moreno ng libreng pagsasanay sa ilalim ng Free Livelihood project nito.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.