Mga Ukranians sa Maruipol, namamatay sa dehydration

0
527

Nasapol ng mga airstrike ng Russia ang tatlong ospital sa Ukraine kahapon, kabilang ang dalawa sa kanluran ng kabisera at isang maternity hospital sa kinubkob na port city ng Mariupol. Nasugatan dito 17 katao sa tinuran ng mga opisyal ng Ukrainian na “war crime” at isang “kabangisan.”

Ayon sa report, ang mga bomba ng Russia ay bumabaon sa lupa ng dalawang palapag ang lalim.

Ang mga pag-atake ay nangyari sa gitna ng pag-asa para sa malawakang paglikas ng mga sibilyan mula sa ilang napapaligirang na lungsod ng Ukraine, kabilang ang Mariupol, na ilang araw nang walang tubig, pagkain at kuryente at nagsimula ng maglibing ng mga bangkay sa isang mass grave dahil puno na ang mga morge dito.

Kaugnay nito, inakusahan ng Russia ang Ukraine na may chemical weapons labs. Sinabi naman ng secretary ng White House na si Jen Psaki na ang bintang ng Russia na “kakatwa” at sinabing ito ay maaaring bahagi ng isang pagtatangka ng Russia na maglatag ng batayan para sa paggamit ng mga mismong armas ng malawakang pagsira laban sa Ukraine.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.