Mga Wallet, ID ngunit walang natagpuang nakaligtas sa China Estern crash

0
184

Mga wallet na putikan, bank cards, official IDs – ang mga malulungkot na paalala ng 132 pasahero na ipinapalagay na namatay ay inihanay ng mga rescuer na nagsusuyod sa isang liblib na tabing bundok ng Tsina kahapon matapos bumagsak ang isang flight ng China Eastern sa hindi maipaliwanag na pag nosedive at sumabog na tila isang malaking bola ng apoy.

Walang natagpuang nakaligtas sa 123 pasahero at siyam na attendants. Ang mga video clip na nai-post ng state media ng China ay nagpakita ng maliliit na piraso ng bahagi ng Boeing 737-800 na nakakalat sa isang malawak na kagubatan. Ang ilang debris ay nasa mga bukid, ang iba ay nasa mga nasunog na bahagi sa lupa na may mga bakas ng nasunog ang mga puno. Ang bawat piraso ng debris ay may numero sa tabi nito, ang mga mas malaki ay minarkahan ng police tape.

Ang mga miyembro ng pamilya ng mga biktima ay naghihintay sa destination at departure area ng airport. Kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng eroplano ilang sandali bago ito nagsimulang bumaba sa southern China metropolis ng Guangzhou ay nanatiling isang misteryo. Ang paghahanap ng black box, na naglalaman ng data ng flight at mga voice recorder sa cockpit ay magiging mahirap hanapin, ayon sa Xinhua News Agency. Ginagamit ang mga drone bukod sa manu-manong paghahanap.

Ang pag-crash ay nag-iwan ng malalim na hukay sa gilid ng bundok, ayon sa Xinhua, na binanggit ang mga rescuer. Si Chen Weihao, na nakakita sa pagbagsak ng eroplano habang nagtatrabaho sa isang sakahan, ay nagreport sa ahensya ng balita na bumagsak ito sa isang lugar sa bundok na walang nakatira.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.