MIAA chief at assisant sinuspinde ng Ombudsman sa ‘anonymous’ complaints

0
345

Sinibak ng Office of the Ombudsman si Manila International Airport Authority (MIAA) acting general manager Cesar Chiong at acting assistant general manager na si Irene Montalbo hinggil sa mga akusasyon ng grave abuse of authority at grave misconduct.

Ayon sa mga reklamo ng mga anonymous MIAA officials, si Chiong ay nag-reassign ng 285 na MIAA employees ng walang sapat na paliwanag at walang mga administrative complaints.

Sinabi rin ng Ombudsman na nilabag ni Chiong ang kanyang awtoridad noong itinalaga niya si Montalbo bilang assistant general manager para sa finance and administration sa kabila ng unsatisfactory rating ito noong 2020.

“Montalbo cannot deny her participation in the reassignment of MIAA employees because, as the designated Assistant General Manager for Finance and Administration, it is her function to advise the General Manager in the formulation and implementation of administrative matters. Based on the evidence on record, it appears that the evidence of guilt of the respondents are strong and the charge against them involve Grave Misconduct which may warrant their removal from the service,” ayon sa Ombudsman.

Dahil dito, pinatawan ang dalawa ng suspensyon ng hanggang anim na buwan nang walang sweldo.

Si Chiong ay naniniwala na mabibigyan siya ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang panig, samantalang naghihintay pa ng komento si Montalbo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo