Milktea shop sa Rizal, hinoldap

0
221

Cainta, Rizal. Tinangay ng holdaper na nagpanggap na customer ang mahigit sandaang libong pisong kita ng isang milktea shop sa Sitio Victoria, Barangay San Juan, ng sa bayang ito kagabi.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya, habang kumakain ng hapunan ang may ari ng shop ay dumating ang isang lalaki at nagkunwaring customer. Umorder pa ito at tumayo malapit sa kaha ng tindahan.

Aktong iniaabot na ang inorder ng suspek ay naglabas ito ng baril at nagdeklara ng holdap.

Ayon kay PLt.Col. Piquero, chief of  police ng Cainta Municipal Police Station (MPS), nilimas ng holdaper ang mga alahas at cellphone ng mga customer at may ari pati na ang maghapong kita ng shop.

Sumakay sa motorsiklo ang suspect at mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Taytay Rizal.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cainta MPS upang matukoy ang holdaper.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.