Mimaropa PNP magtatanim ng 45.5K na punla kada buwan hanggang Disyembre

0
389

Kailangang magtanim ang Police Regional Office-Mimaropa (PRO-4B) ng 273,282 seedlings o 45,558 seedlings kada buwan hanggang Disyembre upang maabot nito ang 1-milyong target.

Sa isang pahayag noong Sabado, sinabi ni Brig. Gen. Sidney Hernia, PRO-4B chief, na muling pinagtibay ang kanilang layunin sa tulong ng mga eco-warriors mula sa limang tanggapang panlalawigan, isang tanggapan ng lungsod, Regional Mobile Force Battalion, at regional headquarters.

Nakapag Tanim na sila ng 726,718 puno noong Agosto 31.

Samantala, sa talaan ng Regional Operations Division, ang PRO-4B ay nakapagsagawa ng 215 na operasyon mula Enero 1 hanggang Agosto 31, na nagresulta sa pagka aresto ng 216 na illegal loggers at pagkumpiska ng 42,244.57 board feet ng assorted lumber na nagkakahalaga ng PHP1.6 milyon.

“Part of our efforts to protect our natural resources is the strict enforcement of the environmental laws. Thus, I urge all unit commanders and fellow eco-warriors to sustain our drive in the campaign against violations of environmental laws in active partnership with the Department of Environment and Natural Resources and various stakeholders in the region,” ayon kay Hernia. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.