Minibus nahulog sa fishpond, 10 sugatan

0
183

NOVELETA, Cavite. Sampung pasahero ang nasugatan, kabilang ang isang senior citizen na driver ng isang minibus, matapos itong mahulog sa isang palaisdaan sa Brgy. San Rafael IV, sa bayang ito, kamakalawa.

Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-tres ng hapon habang ang pampasaherong minibus (DXR 117), na minamaneho ng isang nakikilala pa lamang sa apelyidong Tampos, ay papunta sana sa Cavite City proper at dumaan sa may Callero Bridge sa Brgy. San Rafael IV, Noveleta ngunit nagloko ang makina ng minibus, nagekis0ekis ang takbo at hindi nakayang kontrolin ni Tampos ang manibela hanggang sa bumangga ito sa railings at nahulog sa palaisdaan.

Matapos ang mahigit isang oras na rescue operation ng mga miyembro ng Noveleta Municipal Police Station, Noveleta MDRRMO, at Noveleta-Bureau of Fire Protection, nailigtas ang mga sugatang pasahero kasama na ang driver na naipit sa kinauupuan nito.

Kaagad na dinala ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan upang mabigyan ng agarang lunas.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.