Misis, pinatay sa baril sa harap ni mister

0
442

Calauag, Quezon. Patay ang isang misis matapos barilin ng dalawang beses sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng kanyang asawa sa bayang ito, noong Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ni PMAJ Reynaldo C. Panebe Jr., hepe ng Calauag Municipal Police Station, ang biktima na si Marilou Recentes, 55-anyos, residente ng Sitio Tinambolan, Brgy. Pinagsakayan, Calauag, Quezon.

Ligtas at hindi sinaktan ng suspek ang asawa ng biktima na si Andres Racentes.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagsasampay ng nilabhang damit ang biktima ng dumating ang suspek at nakiusap na makiki kape, bandang alas-5:30 ng madaling-araw.

Ayon sa salaysay ni Andres, dinulutan nila ng kape ang suspek ngunit hindi pa nakakahigop nga kapeay nagsabi ito mg: “dapa kayo para walang masaktan!”

Habang nakadapa ang mag-asawa, inilabas ng suspek ang baril mula sa kanyang sling bag at binaril ng dalawang beses sa ulo si Marilou at saka nagmamadaling tumakas.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at tinitingnan nila ang anggulo ng usapin sa lupa na isang posibilidad, ayon kay PCol Joel Villanueva, direktor ng Quezon Police Provincial Office.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.