Mister nagbaril sa ulo matapos patayin ang asawa

0
191

CUENCA, Batangas. Pinagbabaril hanggang mapatay ng isang mister ang kanyang misis saka siya nagbaril sa ulo isang nakapanlulumong pangyayari sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Ang mag-asawa na kinilala lamang sa mga alyas na Elsa at Candido ay mga residente ng Brgy. Balagbag, Cuenca, Batangas.

Batay sa ulat ng pulisya, nagsimula ang trahedya matapos ang isang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan. Habang papauwi na sana ang mag-asawa at sakay na sa kanilang owner type jeep, biglang bumaba ng sasakyan ang ginang habang sumisigaw ng “tulungan ninyo ako at papatayin ako ng asawa ko!”

Habang tumatatkbo palayo si Elsa, pinagbabaril siya ng asawa sa likod bago ito nagbaril sa sentido.

Parehong dinala sa magkaibang ospital ang mag-asawa subalit wala ng nailigtas sa kanila. Natagpuan ng mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang caliber 45 pistol.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.