Mister nangratrat dahil sa away ni misis

0
209

Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng kanyang kapitbahay sa Sitio Looban, Bgy. Lutucan Malabag, Sariaya, Quezon. 

Kinilala ang biktima na si Jerome Dumdumaya, 42 anyos, habang ang suspek kinilalang  si Manolito Alvarez, 50 anyos, vendor, pawang residente ng nabanggit na lugar. 

Ayon sa ulat ng Sariaya Municipal Police Station, bandang alas-11:30 ng gabi ay sumugod ang biktima sa bahay ng suspek kaugnay sa naunang argumento sa pagitan ng kanyang misis. 

Nagkainitan ang dalawa hanggang sa pagbabarilin ng suspek ang biktima saka tumakas. 

Naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead-on- arrival.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.