Miyembro ng ‘Barrera Drug Group’ arestado sa Cavite

0
247

Dasmariñas City, Cavite. Nahuli ang isang miyembro ng mapanganib na “Barrera Drug Group,” na itinuturing na isa sa mga high value target ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation kagabi sa Brgy. San Agustin 1, sa lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si John Mark Estrabon Marcelo, kilala rin bilang “John Carlo Lumibao,” na residente ng Brgy. San Agustin 1, Dasmariñas City, Cavite.

Batay sa impormasyon na iponadala ni Police Col. Marlon Solero, hepe ng Dasmariñas City Police Station kay Police General Carlito M Gaces, direktor ng POlce Reional Office Calabarzon, bandang alas-7:30 ng gabi ay isinagawa ng Provincial Drug Enforcement Unit, Cavite-Provincial Police Office, at Dasmariñas City Police ang buy-bust operations laban sa suspek.

Matapos matukoy na positibo ang transaksyon, kaagad na inaresto ang suspek at nakuha sa kanya ang limang plastik na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 5 gramo ng shabu, at nagkakahalaga ng P34,000, Nakuha din sa kanya ang iba pang kasangkapan para sa droga.

Mariing sinabi ni Gaces na patuloy na tutugisin ng pulisya ang malalaki at maliliit na drug traffickers sa rehiyon.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.