Miyembro ng gun for hire gang, natimbog sa Laguna

0
209

Sta. Cruz, Laguna.  Nadakip ang isang suspek na killer for hire sa pinagsamang pwersa ng Provincial Intelligence Unit , SWAT Laguna PPO at Cabuyao City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Brigido T. Salisi kahapon.

Si Alexander Acicar Marino alyas Hapon, 29 anyos, tindero ng longganisa ay nadakip sa kanyang bahay sa Southville, Brgy.Marinig, Cabuyao Laguna sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang kaso ng murder.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .45 baril at dalawang magazine.

Si Marino ang hinihinala at itinuturong suspek sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pagkakapatay kay Ruben Milo Unay noong Agosto 22, 2021 sa Blk 18, Lot 132, Southville Subd., Brgy. Niugan, Cabuyao City at kay Rolly Rajal Tagiwalo noong Oktubre 18, 2021 Blk 30 Lot 96 Southville Subd., Brgy. Niugan, Cabuyao City.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang suspek ay napag alamang miyembro ng “Bascogin Criminal Group” na kilala sa robbery gun-for-hire. Ang Bascogin Group ay nambibiktima sa lalawigan ng Laguna at kalapit  na mga probinsya, ayon pa rin sa report.

“Ang operasyon na ito ay bahagi lamang ng tuloy tuloy na operasyon hanggang sa masawata ang grupo na ito. Hindi tayo papayag na hindi mahuli lahat ng mga miyembro nito,” ang mariing pahayag ni Campo.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.