Miyembro ng Randy Domingo Crime Group arestado sa Rizal; Php 340K na shabu nakumpiska

0
350

San Mateo, Rizal. Arestado ang limang drug personalities sa isang operasyon na isinagawa ng Police Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, Rizal Police Provincial Office kahapon sa  No.13 Lambak, Brgy. Guitnang Bayan II, sa bayang ito.

Kinilala ni Regional Director Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang mga nadakip na sina Reden Delas Armas Y Ocampo alias Den-Den, isang High-Value Individual/drug pusher na miyembro ng Randy Domingo Crime Group),34 anyos at kasalukuyang naninirahan sa Gravel Pit, Brgy. Guinayang, San Mateo, Rizal, Catherine Niegas Y Perez alias Cathy, isang drug pusher na 26 anyos at kasalukuyang naninirahan sa 13 Lambak, Brgy. Guitnang Bayan II, San Mateo, Rizal, Benjie Poliquit Y Paule alias Benjie, isang drug pusher, 27 anyos na residente ng No. 13 Lambak, Brgy. Guitnang Bayan II, San Mateo, Rizal, Armin Diaz Y Aban alias Jong-Jong, isang drug user, 24 anyos at kasalukuyang naninirahan sa Gravel Pit, Brgy. Guinayang, San Mateo, Rizal at Bernie Doria Y Pasigna alias Bernie, isang 31 anyos na drug user, construction worker na nakatira sa Gravel Pit, Brgy. Guinayang, San Mateo, Rizal.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Ederico Edrick Zalavaria ang matagumpay na Oplan Pabili Nga Po ay isinagawa matapos makatanggap ng impormasyon hinggil saa isang “Alyas Den-Den” na miyembro ng Randy Domingo Crime Group ang sangkot sa paghahatid at pagbebenta ng shabu sa Lambak, Brgy. Guitnang Bayan II, San Mateo, Rizal. 

Nakumpiska sa mga suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may Dangerous Drug Board Value na PHP 340,000.00.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang kasalukuyang nakakulong sa San Mateo Municipal Police Station custodial facility.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.