MOA sa pagitan ng Laguna at SPARC-ILHZ, muling nilagdaan

0
431

Alaminos, Laguna. Isinagawa sa bayang ito ang MOA Signing na pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Gob. Ramil Hernandez at ng Department of Health Region 4A kasama ang SPARC na kinabibilangan ng apat na LGU ng San Pablo, Alaminos, Rizal at Calauan Inter-Local Health Zones (ILHZ). 

“Ang Memorandum of Agreement ay renewal ng mga LGUs to join the Inter-local Health Zone as member (where) they are committing their health resources to be utilized by the ILHZ, at suportado ng Provincial Health office ang pagamutan natin sa San Pablo para sa ILHZ,” ayon kay Provincial Health Office Chief Dr. Rene Bagamasbad,

Tuwing ikatlong taon nire-renew ang nabanggit na MOA. Ang ILHZ ay naglalayong tiyakin ang access ng bawat indibidwal para matugunan ang kanilang health care needs. Tungkulin din nito na magtaguyod ng maayos na  kalusugan para sa lahat, pinaghusay na pangangalaga sa mga indibidwal at epektibong pamamahala ng mga health resources. 

Kasama sa paglagda ni Gob. Ramil Hernandez si DOH RO-IVA Regional Director Ariel Valencia, Dr. Bagamasbad, mga lokal na opisyal at marami pang iba.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.