MOA sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law sa Laguna, nilagdaan

0
396

Los Baños, Laguna. Nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna at ng Department of Health-Center for Health Development  (DOH-CHD) CALABARZON  hinggil sa implementasyon ng Universal Health Care Law (UHC) noong Setyembre 13, 2022 sa Splash Mountain and Resort Hotel. 

Pinagtibay na Gob. Ramil L. Hernandez at Provincial Health Officer Dr. Rene Bagamasbad ang nabanggit na MOA kasama ang mga city at municipal mayors ng lalawigan, at DOH-IVA UHC Coordinator Erickson Manuel Pawig at Jerico Del Rosario mula sa USAID ReachHealth Project.

Ang MOA ay naglalayong maipatupad ng maayos ang UHC Law na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng abot-kaya at de kalidad na serbisyong medikal para sa lahat ng Pilipino.

“Lahat po ito ay para mas mapalakas pa ang mga programa para sa kalusugan sa ating lalawigan kaya patuloy tayong nakikipagtulungan sa Department of Health, lalo na sa kanilang mga inisyatibo tungkol sa Universal Health Care Law,” ayon sa gobernador.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.