Monday forecast: Maulan sa buong PH dahil sa 3 weather system

0
257

Makakaranas ng mga pag ulan ang maraming lugar sa bansa, ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) forecaster Obet Badrina bagaman at walang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of ​​Responsibility.

“Gayunpaman, ang trough o extension ng isang LPA sa isang lugar sa Indonesia ay magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, partikular sa Visayas at Mindanao,” aniya.

Sa pagtataya ng PAGASA, kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang iiral sa lalawigan ng Romblon, Bicol Region, Visayas at Mindanao dahil sa shear line at trough ng LPA.

Mararanasan din ang mga pag-ulan sa Cagayan Valley at mga lalawigan ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Oriental Mindoro, Marinduque, Palawan, Aurora, at Quezon dahil sa habagat.

Ang mga lugar na ito ay maaaring makaranas ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan, sabi ng PAGASA.

Ang northeast monsoon ay magdudulot ng mahinang pag-ulan sa natitirang bahagi ng Luzon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo